PSA: Halaga ng Piso, 75 sentimos na lang

MANILA, Philippines — Bumaba ang buying power ng Philippine peso sa nakalipas na walong taon dahil sa inflation na lalo pang bumilis at umabot sa pinakamataas na antas sa loob ng 20 buwan nitong Marso 2026.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Chief Claire Dennis Mapa, ang halaga ng P1 noong 2018 base year ay katumbas na lang ng 75 sentimo pagsapit ng Marso 2026.
Ibig sabihin, ang P1,000 walong taon na ang nakararaan ay P750 na lamang ngayon.
Kinukwenta ang purchasing power ng Philippine peso sa pamamagitan ng paghahati ng 1 sa consumer price index at pagkatapos ay imu-multiply ito sa 100.
Ang pagbaba ng kakayahang bumili ng piso ay bunsod ng pagbilis ng inflation—ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo—na umakyat sa 4.1% nitong Marso. Ito ay dulot ng sunud-sunod na malalaking pagtaas sa presyo ng langis na kaugnay ng nagpapatuloy na digmaan sa Middle East.
- Latest

















