^

Bansa

Libreng legal assistance sa senior citizens

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakipagkasundo ang Senior Citizens Party-list sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang magbigay ng libreng legal assistance sa senior citizens sa buong bansa.

Ito ay sa ilalim ng Legal Assistance Program for Senior Citizens na pinagtibay sa isang memorandum of agreement (MOA) nina Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes at IBP National President Allan Panalong.

Sinaksihan ang kasunduan ni National Commission for Senior Citizens Chairperson Ma. Merceditas Gutierrez,­ na nagpahayag ng suporta sa naturang inisyatiba.

Ayon kay Ordanes, layunin ng programa na matulungan lalo na ang mahihirap na senior citizens na nangangailangan ng agarang tulong-legal.“Marami sa ating mga nakatatanda ang nahaharap sa mga suliraning legal, mula sa pang-aabuso hanggang sa hindi pagtanggap ng mga benepisyo at kadalasan ay wala silang kakayahan para ipaglaban ang kanilang mga Karapatan,” ayon sa mambabatas.

Sa ilalim ng kasunduan, magbibigay ng libreng payong-legal ang mga abogado ng IBP, habang tutulong ang party-list sa case referrals at maglulunsad ng legal aid clinics hanggang sa malalayong komunidad.

ASSISTANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with