US ni-rescue crew member na bumagsak sa Iran
MANILA, Philippines — Iniligtas ng Estados Unidos ang ikalawang piloto nang bumagsak na F-15 fighter jet sa Iran, ayon sa Amerika nitong Linggo ng madaling araw.
Inilathala ni House Press Secretary Karoline Leavitt sa X ang pahayag ni US President Donald Trump tungkol sa isinagawang pagliligtas.
“Over the past several hours, the United States Military pulled off one of the most daring Search and Rescue Operations in U.S. History,” ayon sa statement ni Trump.
Inihayag din ni Trump na “injured” ang crew member pero magiging maayos din ang lagay nito.
“He will be just fine,” napaulat na sinabi ni Trump.
Ang piloto, ayon kay Trump ay may ranggong koronel, at ang pangalawang miyembro ng isang F-15 na sinabi ng Iran noong Biyernes na pinabagsak sa himpapawid nito.
Iniulat noong Biyernes ang pagkakaligtas sa unang piloto.
- Latest



















