^

Bansa

Diesel sisirit sa P162.50/L sa Mayo

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Diesel sisirit sa P162.50/L sa Mayo
Motorists refuel at a gas station along East Avenue in Quezon City on February 2, 2026.
STAR / Miguel De Guzman

‘Most severe scenario’ - DEPDev

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Economy, Planning and Development (DEPDev) na ang inflation rate ay maa­aring tumaas sa double-digit na antas kung saan ang presyo ng diesel ay tataas ng 176% sa ilalim ng “pinakamalalang senaryo” at kung ang krudo ay aabot sa $200 kada bariles sa gitna ng krisis sa Gitnang Silangan.

Ipinakita ni Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan ang ginawang pagsusuri ng DEPDev sa epekto sa ekonomiya ng giyera ng US-Iran-Israel sa isang pagdinig sa Senado nitong nakaraang Martes.

Ang presentasyon ni Balisacan sa Senado ay isang update sa posibleng “malalang ­senaryo” na tinalakay niya sa House dalawang linggo na ang nakalilipas.

Inilatag ng DEPDev ang limang puwedeng mangyari kung saan ang pinakamalala ay ang pang-limang scenario.

Sa ilalim ng Senaryo 5, kapag ang krudo ay umabot sa $200 kada bariles, tinantya ng DEPDev na ang presyo ng domestic diesel ay maaaring tumaas ng 160.05% pagsapit ng Abril sa P154.06 kada litro, kumpara sa baseline estimate na P59.24 kada litro.

Pagsapit ng Mayo, ang diesel ay maaaring tumaas ng 176.49% sa P162.60 kada litro kumpara sa baseline estimates bago ang labanan sa pagitan ng US at Israel at Iran.

Kahit na sa ilalim ng pinakasimpleng senaryo na $100 kada bariles ng krudo, inaasahang lalampas pa rin ang inflation rate sa komportableng kisame ng gobyerno na 2% hanggang 4%, kung saan ang average sa buong taon ay aabot sa 4% hanggang 4.2%.

Sa bawat senaryo, sinabi ni Balisacan na ang inflation ay inaasahang lalagpas sa target ng gobyerno na 2% hanggang 4%.

DEPDEV

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with