^

Bansa

Ilang transport groups, may tigil pasada ngayon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Ilang transport groups, may tigil pasada ngayon
Daily commuters pay for their jeepney fare in Marikina.
THE STAR / Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Ilang grupo ng transportasyon ang nag-anunsiyo na magdaraos ng transport strike ngayong Lunes, habang ilang grupo naman ang nagpasyang huwag munang ituloy ang planong tigil-pasada bunsod nang patuloy na pagtaas ng ­presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) national president Libay de Luna, isang nationwide transport strike ang ikakasa nila ngayong Lunes.

Ani De Luna, hindi muna sila bibiyahe ngayong araw upang maiparamdam sa pamahalaan ang kanilang nararanasang hirap.

“Talagang hindi namin kakayanin na. Kaya kami sa Lunes, magta-transport holiday kami nationwide,” pahayag ni De Luna, sa panayam sa radyo.

“Hindi kami lalabas. Wala namang manggugulo. Para maiparamdam sa ating Presidente Marcos na kami talaga ay hirap na hirap na,” aniya pa.

Dagdag pa ni De Luna, kabilang sa hiling ng grupo nila ay makatanggap ng fuel subsidy at assistance mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Umapela rin siya sa pamahalaan ng tulong sa service contracts at hu­mingi ng bank moratorium para sa transport coope­ratives na nahihirapan sa pagbabayad ng kanilang modern jeepney units.

Samantala, ang Western Visayas ­Alliance of Transport Cooperatives and Corporations Inc. naman ay nakatakda ring magdaos ng transport holiday sa loilo City. Lalahukan ito ng higit 1,000 ­traditional at modern jeepney ­drivers at operators na bumibiyahe sa Iloilo City.

Sa kabilang dako, nagpahayag naman ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Phi­lippines (FEJODAP) at Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) na hindi na nila itutuloy ang planong tigil-pasada ngayong Lunes.

Sa halip na magtigil-pasada, makikipagpulong sila sa Department of Transportation (DOTr) at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), kasama ang iba pang transport groups, upang talakayin ng ­hiling nilang taas-pasahe.

ACTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with