Marcos sinertipikahang urgent e-power sa fuel excise tax
MANILA, Philippines — Sinertipikahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang urgent ang House Bill 8418.
Sa ilalim ng panukala, binibigyan nito ng kapangyarihan ang Pangulo na suspendihin o bawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo tuwing may national o global economic emergencies.
Ang liham ay ipinadala ni House Speaker Faustino Dy III sa tanggapan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto at copy furnished si Senate Presidente Vicente Sotto III.
Layon din ng panukala na bigyang daan ang gobyerno na agad tumugon sa pagbabago sa presyo ng gasolina at patatagin ang domestic fuel prices sa panahon ng matinding pagkagambala sa ekonomiya.
Ang nasabing hakbang ay ginawa dahil sa patuloy na pagsirit sa presyo ng mga produktong langis sa bansa dahil sa giyera sa pagitan ng US, Israel at Iran.
- Latest





















