^

Bansa

Dagdag na ruta sa Quezon City free bus ride program, giit

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Quezon City Councilor Alfred Vargas sa lokal na pamahalaan na palawakin pa at magbukas ng mga karagdagang ruta upang magbigay ng isang praktikal at libreng alternatibo sa transportasyon habang patuloy na tumataas ang presyo ng langis sa mundo dahil sa tensyon sa Middle East.

Binigyang-diin ni Vargas, pangunahing may akda ng QC Bus Program Ordinance, ang pagpapalawak ng libreng serbisyo ng bus na hindi lamang makakatulong sa mga residente na makatipid sa gastos sa gasolina, kundi magsisilbi ring mahalagang proteksyon sa ekonomiya laban sa banta ng P90 kada litrong presyo ng petrolyo.

Binanggit ng mambabatas na ang paglipat mula sa paggamit ng mga pribadong sasak­yan patungo sa pampublikong transportasyon ay isang epektibong estratehiya upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko at ang kabuuang konsumo ng gasolina.

Sa kasalukuyan, ang serbisyo ay tumatakbo sa walong estratehikong ruta sa mga pangunahing lansangan ng Quezon City. 

BUS

PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with