56 katao handing tumestigo vs Revilla
P92.8 million ghost flood project sa Bulacan
MANILA, Philippines — Handa ang 56 katao na tumestigo laban kay dating senador Bong Revilla at anim na kapwa akusado kaugnay ng P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
Ayon kay Atty. Christina Marallag-Batacan, acting director ng prosecution bureau ng Office of the Ombudsman, handa na ang panig ng prosekusyon para tumestigo ang 56 katao sa dating mambabatas at kapwa akusado kaugnay ng kasong graft na nakasampa sa Sandiganbayan.
Anya, bagamat marami ang bilang ng mga tetestigo sa panig ng prosekusyon, umaasa naman siyang hindi ito kakain ng mahabang panahon sa paglilitis dahil mayroon silang ginawang solusyon para rito.
“We said that even if there are 56 witnesses, it would still depend on each person’s testimony.Some of it may only be corroborative, so we might dispense of the others, so our trial days could be shortened,” sabi ni Batacan.
Ayon naman sa panig ng depensa, 14 katao ang ihaharap nilang testigo sa paglilitis na naitakda ng graft court ?sa April 7.
Ang naisampang kaso ng Ombudsman kay Revilla at kapwa akusado noong Enero ngayong taon ay dulot nang pagsasabing natapos na at nakumpleto na ang proyekto pero ang katotohanan, batay sa kanilang pagsaliksik ay wala talaga ritong naipatupad na flood control project sa naturang lugar.
- Latest




















