2nd impeachment vs Sara binawi ng Tindig Pilipinas

MANILA, Philippines — Isang araw bago ang deliberasyon, binawi ng Tindig Pilipinas ang ikalawang beripikadong impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara.
Sa isang press statement nitong Linggo, inianunsyo ng Tindig Pilipinas na binabawi na nila ang inihaing reklamo laban kay VP Duterte at sa halip ay inihayag na susuportahan na lamang ang ikatlong impeachment upang mapabilis ang proseso at maipadala kaagad ito sa Senado.
“As the petitioners of the 2nd impeachment complaint against Vice President Sara Duterte, we have decided to withdraw our case, and lend our full support behind the 3rd impeachment complaint containing the same grave allegations and substantialevidence as ours,” ayon sa Tindig Pilipinas.
Ang ikatlong reklamo na sinuportahan ng Tindig Pilipinas ay ang inihain ng mga pari, madre, abogado at iba pa na inidorso nina Mamamayang Liberal Partylist Rep. Leila de Lima . “Consolidating our support behind the third complaint will strengthen our position and help move the case forward to the Senate impeachment court,” saad pa ng grupo.
Sinabi pa ng grupo na dahil maraming nakahaing impeachment complaint kay VP Sara na nasa apat ay mas makabubuting magkaisa na lamang sila sa iisang reklamo at nang sa gayon ay hindi magkadoble para masiguro na ang proseso ng impeachment ay susulong na walang pagkakaantala.
- Latest















