Palasyo itinangging naospital si Pangulong Marcos

MANILA, Philippines — Itinanggi ng Malakanyang na isinugod sa pagamutan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kahapon.
Sa isang pahayag sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ang pangulo ay dumalo sa mga pribadong pagpupulong kasama ang Presidential Management Staff (PMS).
Ayon pa kay Castro, maayos, malusog at nagtatrabaho si Pangulong Marcos kahit na araw ng Sabado.
“The President was in a private meeting with PMS this morning. He is well, healthy, and working even on a Saturday,” sabi ni Castro.
Kahapon ay kumalat sa social media na isinugod sa St. Lukes ang Pangulo sa hindi malamang dahilan.
Matatandaan na si Marcos ay isinugod St. Lukes BGC dahil sa sakit na diverculitis kamakailan.
Tiniyak naman ni Castro na nasa maayos na kalagayan na ang Pangulo matapos na sumailalim sa gamutan at patuloy na nagtatrabaho.
- Latest




















