^

Bansa

Castro: Mike Defensor, ‘Ador Mawanay 2.0’

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinuwestyon ng Malakanyang ang kredibilidad ni dating congressman Mike Defensor kasunod ng pahayag nitong may panibagong batch ng mga dating sundalo na handang tumestigo sa sinasabing bilyong pisong halaga ng bribery.

Sa press briefing, sinabi ni ­Palace Press Officer Atty. Claire Castro, na kilala si Defensor sa mga talumpating naghihikayat na patalsikin sa puwesto ang Pangulo.

“Mike Defensor again, Ador Mawanay 2.0 – kilala ang salitang “Mawanay” dahil sa pamimilit diumano sa kaniya na gumawa ng pekeng salaysay,” pahayag pa ni Castro.

Si Mawanay ay naging star witness noong 2001 laban kay Sen. Ping Lacson, kung saan kalaunan ay binawi rin nito ang mga paratang.

Marami na rin aniyang talumpati si Defensor na naghihikayat sa ating mga kababayan na tanggalin sa puwesto ang Pangulo at alam naman umano ang motibo nito.

“Mike Defensor, the known wonder boy,” saad pa ni Castro.

Samantala, sinabi ni Castro na may impormasyon din siyang may isang operator umano na mula sa nakaraang administrasyon ni ­dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang kumikilos para guluhin ang mga isyu.

Dagdag pa n’ya, kapag sangkot daw ang naturang indibidwal sa isang usapin, “something is fishy”.

Naniniwala naman ang Malacañang na maaaring inilabas ang bribery claim upang tanggalan ng kredibilidad ang International Criminal Court o ICC.

Gayunman, diin ng Palasyo, mas ikinababahala pa rin nila ang mga umano’y kasinungalingang ibinabato laban sa Pangulo.

MIKE DEFENSOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with