^

Bansa

4-araw na ICC hearing kay Duterte umpisa na

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
4-araw na ICC hearing kay Duterte umpisa na
Sa “Question and Answer” sa website ng ICC tungkol sa gagawing “confirmation of char­ges hearing,” nakasaad na tatlo ang posibleng mangyari rito kabilang na ang pagpapahinto ng proceedings laban kay Duterte kung wala silang makikitang sapat na ebidensiya para suportahan ang mga kaso.
Ryan Baldemor

Trial ‘di tuloy kung hindi kukumpirmahin ng judges

MANILA, Philippines — Ihihinto ng International Criminal Court ang proceedings laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kung hindi kukumpirmahin ng mga judges ng Pre-Trial Chamber I ang mga kinakaharap niyang kaso.

Sa “Question and Answer” sa website ng ICC tungkol sa gagawing “confirmation of char­ges hearing,” nakasaad na tatlo ang posibleng mangyari rito kabilang na ang pagpapahinto ng proceedings laban kay Duterte kung wala silang makikitang sapat na ebidensiya para suportahan ang mga kaso.

“If the Pre-Trial Chamber finds that there is insufficient evidence to support the charges, it will stop the proceedings against Mr Duterte. The ICC judges would then give orders on the next steps in due course,” nakasaad sa website ng ICC.

Kasama rin sa puwedeng mangyari ang paghingi ng mga ka­ragdagang ebidensya o pag-amiyenda sa mga kaso.

Pero kahit isa lamang o lahat ng ibinibintang kay Duterte ay makumpirma, si Duterte ay ituturing ng akusado at saka pa lamang sisimulan ang paglilitis sa isang Trial Chamber.

Nilinaw din na ang “confirmation of charges hearing” ay hindi isang trial at ang layunin ng “confirmation of charges hearing” ay makita kung may sapat na ebidensiya na susuporta sa lahat ng mga kasong ibinibintang kay Duterte.

Ang pagdinig ay tatagal ng mahigit sa apat na araw mula Pebrero 24 hanggang 27 kung saan makikita kung nakapag-presenta ng sapat na ebidensiya ang mga prosecutors upang magpatuloy ang trial.

Uupo sa “confirmation proceedings” ang tatlong judges sa Pre-Trial Chamber I na kinabibilangan nina Presiding Judge Iulia Antoanella Motoc, Judge Reine Alapini-Gansou at Judge María del Socorro Flores Liera.

Kapag kinumpirma ng mga judges ang mga kaso ni Duterte ay itutuloy ang trial laban sa kanya.

CHAMBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with