^

Bansa

Love scam gumagamit ng AI

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Love scam gumagamit ng AI
In this photo illustration, the dating app Tinder is seen on the screen of an iPhone on August 14, 2018 in Miami, Florida.
Photo illustration by Joe Raedle / Getty Images

Publiko binalaan

MANILA, Philippines — Habang papalapit ang Valentine’s Day, nagbabala si Sen. Win Gatchalian sa publiko laban sa mas so­pistikadong uri ng mga ‘love scam’ na gumagamit na ngayon ng artificial intelligence (AI) at sa ilang pagkakataon ay humahantong pa sa sexual exploitation sa mga biktima.

Ang panawagan ni Gatchalian ay kasunod ng babala ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) tungkol sa lumalalang panganib ng mga love scam na gamit ang AI, na pinupuntirya ang mga taong naghahanap ng romantikong relasyon.

Ayon sa datos ng CICC, nakatanggap sila ng 123 pormal na reklamo noong 2025, kung saan karaniwang tumataas ang bilang ng mga kaso mula Enero hanggang Pebrero, gayundin tuwing Hunyo at Oktubre.

“Sa kabila ng pambansang pagbabawal sa mga POGO, patuloy na sinasamantala ng mga kriminal na sindikato ang mga butas sa batas sa pamamagitan ng iba’t ibang modus, kabilang ang mga love scam. Nakakalungkot na hindi na lang basta naloloko ang ilan nating kababayan ng perang kanilang pinaghirapan, ang iba ay nagiging biktima pa ng prostitusyon,” pahayag ni Gatchalian.

Ayon sa CICC, may anim na profile ng mga scammer silang natukoy: ‘Sad boy/sad girl,’ na nagbabahagi ng mga madramang problema bago humingi ng pera; ‘Seducer,’ na nakakakuha ng mga malalaswang larawan ng biktima; ‘Investor,’ na nag-aalok ng mga pekeng cryptocurrency scheme; ‘Serviceman,’ na nagpapanggap na sundalong naka-deploy sa ibang bansa; ‘Escort,’ na humihingi ng paunang bayad para sa serbisyo; at ‘Slow burner,’ na nagpapatagal at nag-aalaga ng long-distance relationship bago manghiram ng pera.

WIN GATCHALIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with