^

Bansa

Windmill sa Laguna nanganganib mapurnada

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinabahala ng mga residente sa Laguna ang tila mapupurnadang Windmill Project sa kanilang lugar. 

Ito ay dahil umano sa pagbabawal na makadaan ang mga cargo truck patungo sa site ng proyekto.

Kabilang ang Windmill Project sa mga isinusulong ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr bilang solusyon sa kakapusan ng enerhiya sa bansa. 

Nang ianunsyo ang proyekto, maraming residente sa ikaapat na Distrito ng Laguna ang na-excite at natuwa. 

Bukod sa Windmill project at nababalam din ang ibang proyekto sa lugar tulad ng DPWH Projects, Power China, Royal Cargo, Ayala project, Sta. Clara, Acciona at iba pang pribadong proyekto 

Sinasabing naglagay ng Tollgate sa daan na nasasa­kupan ng Pangil, Laguna.

Gayunman, usap-usapan ngayon sa distrito ang reklamo ng mga kontratista sa bulunduking bahagi sa Pangil at Pakil sa Laguna, dahil sa pagbabawal sa mga cargo truck na makadaan sa pataas na bahagi ng bundok dahil sa utos umano ng lokal na pamahalaan ng Pangil.

Ayon sa ilang source, idinadahilan umano ng tanggapan ni Pangil Laguna Mayor Gerald Aritao na nasisira ang kalsada dahil sa pagdaan ng mga heavy equipment kaya naman ang mga konstruksyon ng proyekto ay nababalam.

May mga reklamo ding sinisingil umano sila ng toll o pinakukuha ng kung anu-anong permit. 

Wala pa namang pahayag si Mayor Aritao kaugnay ng nasabing usapin.

WINDMILL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with