^

Bansa

Ika-3 cyberlibel vs Barzaga isinampa

Mer Layson, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maging si Manila 2nd District Rep. Rolando M. Valeriano, na kasapi rin ng National Unity Party (NUP), ay naghain na rin ng kasong cyberliber laban kay Cavite Rep. Kiko Barzaga.

Ito ay kaugnay ng viral social media post ni Barzaga kung saan inakusahan niya ang mga miyembro ng NUP na tumanggap ng suhol kapalit ng suportang politikal.

Personal na nagtungo sa Office of the Manila Prosecutor si Valeriano kahapon ng umaga upang ihain ang naturang kaso.

Nauna rito, sa kanyang post, inakusahan ni Barzaga ang mga NUP congressmen na tumanggap ng suhol mula sa negosyanteng si Enrique Razon sa iba’t ibang pagtitipon sa Solaire bago ang 2025 elections at ang nasabing suhol umano ay kapalit ng pagsuporta sa re-election ni dating Speaker Martin Romualdez.

“The statement is a direct public accusation of bribery against identifiable members of the NUP bloc, and constitutes an imputation of a serious crime made without evidence and published through a widely accessible social media platform, further arguing that the post was widely circulated online in a manner that maximized reputational harm,” ani Valeriano.

Ayon pa kay Valeriano, ang post ni Barzaga ay malinaw na Cyberlibel.

Giit pa niya, ang alegasyon ay naipakalat sa publiko online at gayundin sa online news sites at social media pages, kung saan lumawak ang naabot na publiko.

Binigyang-diin pa niya na ang nasabing akusasyon ay hindi lamang naka-direkta sa isang tao subalit ginawa sa buong grupo na tiyak ang pagkakakilanlan.

Si Barzaga ay una nang sinampahan ng cyberlibel ni Razon sa Makati Prosecutor’s Office dahil sa naturang isyu. Sinundan ito ng isa pang cyberlibel case na inihain naman ni Rep. Ronaldo Puno.

Kinumpirma naman ni Valeriano na nakatakda ring magsampa ng reklamo ang iba pang NUP members na naapektuhan ng nasabing post ni Barzaga.

KIKO BARZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with