^

Bansa

Impeachment vs Pangulong Marcos malabong lumusot sa Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Impeachment vs Pangulong Marcos malabong lumusot sa Kamara
Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Bongbong Marcos / Facebook Page

MANILA, Philippines — Malabo umanong magtagumpay sa Kamara ang pinaplanong ikasang impeachment laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay National Unity Party (NUP) Party Chairman at Antipolo City Rep. Ronaldo Puno, walang matibay na ground para maghain ng impeachment laban sa Pangulo.

Ginawa ni Puno ang pahayag kaugnay ng pinaplano umano ng mga kritiko ng administrasyon na maghain ng impeachment laban kay PBBM ngayong 20th Congress.

“Actually I don’t see any grounds for filing an impeachment case against the President. Even when we started analyzing, we’re trying to think what grounds can they put for an impeachment case,” ani Puno na iginiit pang sa kasaluku­yan ay wala naman silang nakikitang paglabag ni Pangulong Marcos sa Saligang Batas.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Puno na hindi susuportahan ng mga opisyal at miyembro ng NUP ang anumang impeachment na ihahain laban kay Pangulong Marcos.

Ayon naman sa sources, maraming kaalyado sa Kamara si Marcos kaya mahihirapang makalusot dito ang impeachment laban sa kaniya.

Sa proseso ng impeachment, nagsisi­mula ito sa Kamara na kaila­ngang iindorso ng sinumang mambabatas bago ito dinggin sa panel at pagbotohan sa ­plenaryo. Sakaling makalusot at mapagtibay ito sa ple­naryo, kung makakuha ng mayorya ng boto sa mga Kongresista ay saka ito dadalhin sa Senado.

IMPEACHMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with