PANOORIN: Goobye ICI na ba? Marcos sumagot
MANILA, Philippines — Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Biyernes, Enero 16 na wala pang pinal na desisyon ang Malacañang hinggil sa magiging kapalaran ng Independent Commission for Infrastructure (ICI), dahil nakadepende pa umano ito kung may natitira pang trabahong kailangang tapusin ang komisyon.
Ayon sa pangulo, unti-unti nang tinatapos ng ICI ang mga aktibidad nito, at kapag nakumpleto na ang mga imbestigasyon at naipasa na ang lahat ng nakalap na impormasyon sa Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman, lilipat na sa mga ahensyang ito ang sentro ng imbestigasyon.
Dagdag ni Marcos, hindi pa rin napagpapasyahan kung muling magtatalaga ng mga komisyoner sa ICI.
Itinatag ang ICI upang magsagawa ng malalim at bukas na imbestigasyon sa mga alegasyon ng katiwalian at iregularidad sa malalaking government infrastructure projects, partikular sa mga flood control at iba pang public works na pinondohan ng bilyong piso ng gobyerno.
Gayunman, nitong mga nakaraang buwan ay nagbitiw sa puwesto ang ilan sa mga komisyoner ng ICI, bagay na nagdulot ng mga katanungan hinggil sa kahihinatnan at pagpapatuloy ng operasyon ng komisyon.
- Latest


























