^

Bansa

94% ng Pinoy, naniniwalang talamak korapsyon sa gobyerno

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot sa 94 percent ng mga Pinoy ang naniniwalang lumalawak ang korapsyon sa pamahalaan.

Batay sa latest Pulse Asia survey na ginawa nitong December 2025, pinakamataas na nagsabing malawak na ang korapsyon sa gobyerno ay mula sa 96 percent ng respondents sa Metro Manila, sinundan ng 93% sa Balance Luzon, 96% sa Visayas at 94% sa Mindanao.

Sa survey, 74% ng adults ang nagsabing ang korapsyon sa gobyerno ay patuloy ang pagtaas sa nakalipas na 12 buwan pero mas mababa naman ito sa 85% na naitala noong September 2025.

Nasa 43% ang sumagot ng “disagree” sa kanilang pananaw na ang korapsyon ay normal na bahagi ng Philippine politics at nasa 41% naman ang “agree”.

Nasa 58% ng residente ng Mindanao at 51% sa Class C ay hindi naniniwalang ang korapsyon ay normal part ng Philippine politics, 50% mula sa Metro Manila residents at 48% sa Visayas.

PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with