^

Bansa

Mga bato na sinlaki ng kotse ibinubuga ng Mayon

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Mga bato na sinlaki ng kotse ibinubuga ng Mayon
DOST-Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Dr. Teresito Bacolcol and Volcano Monitoring Eruption and Prediction Division Chief Ma. Antonia Bornas give updates regarding the raising of Alert Level 3 for the Mayon Volcano during a press conference at the PHIVOLCS Head Office in Quezon City on January 6, 2025.
STAR / Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko na huwag lalapit sa may dalisdis ng Bulkang Mayon dahil sinlaki ng kotse ang bumabagsak na malalaking tipak ng bato mula sa bulkan.

Ayon kay Phivolcs Director Teresito Bacolcol, patuloy ang pagtaas ng bilang ng rockfall events mula sa bunganga ng bulkan na nakapagtala ng isang volcanic earthquake, 162 rockfall events at 50 pyroclastic density currents (PDCs) o uson sa nakalipas na 24 oras.

Ang pagtilapon ng mga bato o rockfall events ay naitala sa Miisi, Bonga at Basud Gullies sa may timog, silangan at southeastern flanks ng bulkan malapit sa Daraga, Legaspi at Sto. Domingo.

 “Parang kotse ‘yan…Ganun kalalaki ‘yung rockfall,” sabi ni Bacolcol sa panayam ng DZMM.

Ipinaliwanag din nito na ang PDCs at rockfall ay nangangahulugan ng parehong suplay ng magma na nagdudulot ng paglaki ng lava dome na ­nagiging unstable kayat bumabagsak at nagkakaroon ng rockfall events sa bulkan.

Sinabi pa ni Bacolcol na ang PDC ay maaaring bumilis nang may daan-daan kilometro kada oras na lubhang  mapanganib.

 “Yung PDC o yung tinatawag na uson sa Bicol, ito ‘yung parang avalanche nang pinaghalo-halong mga abo, bato at gas. Mabilis po ito…Delikado ito. In fact, during the 1993 eruption sa Mayon, 77 ang namatay dahil sa PDC,” dagdag ni Bacolcol.

Aniya, sa patuloy na pag-aalboroto ng Mayon ay wala pa namang naitatalang lava flow. Nilinaw ni Bacolcol na uson ang nakikita na dumadausdos mula sa crater ng bulkan.

Ang bulkan ay nasa Alert Level 3 na lubhang mapanganib kapag nilapitan ang dalisdis.

 

MAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with