UP nanguna sa 5,594 pumasa sa 2025 Bar Exams

MANILA, Philippines — Nanguna ang University of the Philippines (UP) sa 5,594 nakapasa sa 2025 Bar Examinations, sa inilabas na resulta ng Korte Suprema nitong Miyerkules, Enero 7.
Sinabi ni SC Bar Chairperson Associate Justice Amy Lazaro-Javier na ang naturang bilang ay kumakatawan sa 48.98% ng mga kumuha at nakakumpleto ng tatlong araw na pagsusulit.
Top 1 sa nakuhang 92.70% si Jhenroniel Sanchez (UP); sinundan nina Spinel Declaro ng University of Sto Tomas, 92.46%; Alaiza Adviento, 91.91% (UST); Angelica Mitra (De La Salle-Lipa) - 91.68%; Marc Angelo Santos (UST-Manila) - 91.58 %; Jeowy Ompad (University of San Jose-Recoletos) - 91.25%; Enrico Paguia (AdMU) - 91.25%; Johan Raphael Gata (UST-Manila) - 90.90 %; Marie Shantelle Sarmiento (UP) - 90.87%; Richmond Lucas (University of La Salette) - 90.45%, at Jusmin Yap (UP) - 90.36 %.
May kabuuang 13,193 ang examinees subalit 11,424 lang ang nakatapos sa Setyembre 7, 10, at 14, 2025 na mga pagsusulit.
Itinakda ang oath taking at signing sa Roll of Attorneys sa Pebrero 6 sa Philippine Arena.
Mas mataas ang bilang ng mga pumasa ngayong taon kumpara sa 3,962 noong nakaraang taon.
- Latest



















