^

Bansa

Jobless sa Pinas bumaba sa 2.25 milyon noong Nobyembre 2025

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Jobless sa Pinas bumaba sa 2.25 milyon noong Nobyembre 2025
A large crowd of job seekers gather at Rizal Memorial Stadium on January 31, 2025.
STAR/ Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bahagyang bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho o walang pinagkakakitaan noong Nobyembre 2025.

Sinabi ni Philippine Statistics Authority (PSA) Chief Claire Dennis Mapa na batay sa pinakabagong Labor Force Survey, nasa 2.25 milyon ang naitalang unemployed na edad 15 pataas. Mas mababa ito kumpara sa 2.54 milyon noong Oktubre 2025 at mas mataas naman sa 1.66 milyon noong ­Nobyembre 2024.

Sa percentage na 51.52 milyong bilang sa labor force, ang mga ­aktibong naghahanap ng trabaho sa panahong ito dahil sa kawalan ng pinagkakakitaan ay nasa unemployment rate na 4.4%, mas mababa sa 5% noong October 2025 na nangangahulugan na ang 44 sa 1,000 katao ay walang trabaho.

Ang bilang naman ng mga may trabaho ay tumaas sa 49.26 ­milyon nitong November 2025 mula sa 48.62 milyon noong October 2025.

Nilinaw ni Mapa na ang maliit na pagtaas ng month-on-month sa employment ay dulot nang kalamidad na naranasan sa buwan ng Nobyembre kahit na papasok ang holiday season na dumadami ang labor demand.

JOBLESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with