PANOORIN: Pagbomba ng US sa Venezuela, huli sa camera
MANILA, Philippines — Nayanig ang Caracas sa sunod-sunod na airstrikes sa isang pre-dawn bombing raid na, ayon kay US President Donald Trump, ay nagresulta sa pagkaka-aresto kay Venezuelan President Nicolas Maduro noong January, 3 2026.
Sinabi ni Trump na si Maduro at ang kanyang asawa ay dadalhin sa New York upang humarap sa kasong “narco-terrorism.”
Hanggang ngayon, wala pang opisyal na bilang ng mga nasawi mula sa pamahalaan ng Venezuela o Estados Unidos.
Ayon kay Trump, walang Amerikanong napatay sa operasyon.
Sa panayam sa New York Post, sinabi ni Trump na maraming Cubano ang umano’y nasawi habang pinoprotektahan si Maduro, ngunit hindi siya nagbigay ng detalye o bilang.
- Latest
























