Promosyon ng 16K guro ng Marcos admin pinuri
MANILA, Philippines — Isang malinaw at konkretong aksyon ang pagtugon ng administrasyon sa matagal nang hinaing ng mga guro ang promosyon sa 16,000 guro sa bansa.
Sinabi ni Dr. Jose Antonio Goitia, Chairman Emeritus ng apat na makabayang grupo, malinaw na may direksyon ang pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magreresulta, hindi lamang sa usapin ng ranggo o sahod, kundi pagkilalang matagal na nilang hinihintay.
Sa pag-alis ng backlog, ipinakita ng administrasyon na umaandar ang sistema, hindi puro pangako.
Ayon kay Goitia, may malinaw na desisyon ang pamahalaan na ayusin ang matagal nang hindi naaayos.
Isinakatuparan aniya ni DepEd Secretary Sonny Angara ang direktiba ng Pangulo mula sa maayos na paglalaan ng pondo hanggang sa paggalaw ng mga proseso sa loob ng ahensiya.
“Hindi magiging seryoso ang anumang reporma sa edukasyon kung napapabayaan ang mga guro,” dagdag pa niya.
- Latest

















