PANOORIN: Ex-DPWH Usec. Cabral, nakuhanan sa CCTV sa Baguio
MANILA, Philippines — Hawak ng National Bureau of Investigation (NBI) ang CCTV footage mula sa hotel sa Baguio City kung saan huling nakita ang dating DPWH Undersecretary Maria Catalina “Cathy” Cabral bago siya pumanaw.
Kasama ang video sa masusing pagsusuri ng mga otoridad upang buuin ang kanyang mga galaw bago ang insidente.
Matatandaang noong Disyembre 18, 2025, bandang hapon, bumaba si Cabral kasama ang kanyang driver sa Kennon Road sa Tuba, Benguet, ilang oras bago siya natagpuan na walang malay, 20–30 metro pababa mula sa highway malapit sa Bued River.
Idineklarang patay si Cabral bandang hatinggabi ng Disyembre 19, 2025.
- Latest



















