^

Bansa

NTF-ELCAC pinuri hatol sa 13 akusado

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

Umabuso sa mga batang IPs

MANILA, Philippines — Pinuri ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) nitong  Sabado ang desisyon ng Court of Appeals (CA) na nagpapatibay sa hatol laban sa 13 nang abuso ng mga batang katutubo (IP)  sa Talaingod, na inilarawan nitong isang malinaw at mahalagang tagumpay para sa kataru­ngan, pananagutan, at proteksyon ng mga batang IP.

Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Ernesto C. Torres Jr. tama lamang ang desisyon ng appellate court na panindigan ang hatol ng Regional Trial Court (RTC), Branch 2 ng Tagum City, Davao del Norte, matapos na makitaan ng paglabag ang 13 nahatulang akusado sa Talaingod na lumabag sa ilalim ng Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Lumilitaw sa NTF-ELCAC Legal Cooperation Cluster (LCC) na ipinakita ng mga ebidensya na tinangka ng 13 nahatulang akusado na ilipat ang mga menor-de-edad na estudyante mula Talaingod, Davao del Norte patungo sa isang hindi ligtas na lugar, sa mapanganib na ruta, na naglantad sa mga bata sa tunay na panganib at pinsala.

Binigyang-diin ni Torres na ang desisyon ay hindi sumisira sa lehitimong aktibismo, pagtutol, o adbokasiya para sa karapatan ng mga IP, na patuloy na pinangangalagaan ng Konstitusyon.

Tinanggihan din niya ang panibagong panawagan na buwagin ang NTF-ELCAC kasunod ng desisyon, na tinawag niyang isang inaasahang reaksiyon tuwing may naipatutupad na pananagutan.

CA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with