^

Bansa

Pangulong Marcos: Pinas hindi ‘ISIS training hotspot’!

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos: Pinas hindi âISIS training hotspotâ!
President Ferdinand Marcos Jr. on August 11, 2025.
The Philippine STAR / Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Pinalagan ng Malakanyang ang pagsasalarawan sa Pilipinas ng ilang foreign media na isang “ISIS training hotspot” o “terror hotspot”.

Ito ay kasunod ng mga ulat na galing dito sa bansa ang mag-amang gunman sa Bondi Beach Massacre sa Australia bago ang ginawang mass shooting doon kung saan umaabot sa 15 katao ang nasawi.

Sinabi ni Palace Press officer Atty. Claire Castro, na kinontra ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasabing mga pahayag at inilarawan na isa itong “misleading characterization” ng Pilipinas bilang ISIS training hotspot.

Ayon kay Castro, base sa pahayag ng National Security Council (NSC), ay walang balidong ulat o kumpirmasyon na ang mag-amang namaril sa Bondi beach ay ­nag-training sa Pilipinas.

Sa kabila nito, patuloy aniyang biniberipika ng NSC ang nasabing mga impormasyon bagama’t walang anumang ebidensya ang magtuturo na ang Pilipinas ay ginagamit para sa terrorist training.

Simula aniya noong 2017 Marawi Siege, ay na­lansag na ng mga otoridad ang ISIS-affiliated groups sa bansa at sinuportahan rin ito base sa assessments ng United Nations at US Government.

Sinabi pa ni Castro na inatasan na ni Pangulong Marcos ang Anti-Terrorism Council at iba pang mga otoridad sa bansa na maging mapagmatyag at maging alerto sa paligid laban sa anumang terror activities at patuloy na makipag-ugnayan sa iba pang kaalyadong bansa.

Umapela rin si Marcos sa mga dayuhang mamamahayag na ma­ging mapanuri at responsable sa pagbabalita lalo na kung makakaapekto ang mga impormasyon nila sa integridad at imahe ng Pilipinas.

MALAKANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with