^

Bansa

Kemikal sa embalsamo, nasa vape! - DOH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Kemikal sa embalsamo, nasa vape! - DOH
Sa isang abiso sa kanilang social media page, sinabi ng DOH na ang formaldehyde ay masama sa kalusugan ng tao dahil nakaka­pinsala ito sa lalamunan, ilong at mata.
Wikimedia Commons / Lindsay Fox

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Department of Health (DOH) na ang mga vapes ay nagtataglay rin ng formaldehyde na ginagamit sa pag-eembalsamo.

Sa isang abiso sa kanilang social media page, sinabi ng DOH na ang formaldehyde ay masama sa kalusugan ng tao dahil nakaka­pinsala ito sa lalamunan, ilong at mata.

Napatunayan na rin nilang carcinogenic ang formaldehyde o maa­aring magdulot ng kanser.

“Ang formaldehyde ay isang kemikal na ginagamit sa pang-embalsamo, dahil disinfectant ito. Ngunit sa katawan, nakapipinsala ito ng lalamunan, ilong at mata. Napatunayan ding carcinogenic, o nagdudulot ng kanser ito kapag matagal ang exposure dito,” anang DOH.

Dagdag pa ng DOH, hindi lamang formaldehyde ang makikita sa  vape, Kundi iba pang nakalalasong kemikal, gaya ng diacetyl, acro­lein, cadmium at iba pa.

“Ang nakakatakot: hindi lang ito ang kemikal na nasa vape. Ang ibang mga nakalalasong kemikal tulad ng diacetyl, acro­lein, cadmium at marami pang pinag-aaralang kemikal ay natagpuan na,” anang ahensiya.

Kasabay nito, nanawagan din naman ang DOH na suportahan ang buwis na nagpuprotekta sa kalusugan ng mga Pinoy.

Giit nito, ang bawat piso sa Sin Tax ay may katumbas na buhay na maaaring maligtas.

“Kaya hindi dapat abot-kaya ang mga kemikal na nakapipinsala sa kalusugan, lalo na ng kabataan. Suportahan ang buwis na poprotekta sa kalusugan ng mga Pilipino. Ang bawat piso ng Sin Tax ay may katumbas na buhay na naliligtas,” anito pa.

DOH

VAPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with