^

Bansa

Mga Pinay ‘suki’ sa Pornhub website

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mga Pinay ang lumalabas na isa pinaka akti­bong viewers sa adult content ng Pornhub ngayong 2025 at pangatlo sa mga bansa sa kabuuang site traffic.

Ito ay batay sa taunang user data ng Pornhub website mula sa kanilang “Year in Review” insights.

Lumabas sa review na 64% ng kababaihan sa Pilipinas ang bumibisita sa site, kung saan pumangatlo ang bansa sa top 20 na mas maraming babae ang manonood kaysa sa mga lalaki.

Nasa 3rd top country din ang Pilipinas sa buong mundo pagda­ting sa site traffic, na mas matagal ang ginugugol na oras sa site ngayong taon. Nanguna ang ­United States, at sinundan ng Mexico.

Kumpara sa nakaraang taon, mas ma­tagal ng halos 2 minuto ang ginugugol sa pagbisita sa site ng mga mga tao sa Pilipinas ngayong taon na tumatagal ng 10 minuto at 53 segundo.

Lumabas din na karamihan ay mga kabataang Pinoy na ang edad ay 18-24 o 49%, habang ang 25-34 ay 29%.

Nasa 96% ng lahat ng bumibisita sa site ay gumagamit ng cellphone, isa ito sa pinakamataas sa buong mundo.

Lumabas din na ang mga Pilipino ang pinakamaraming naghahanap ng content tungkol sa kapwa Pilipino kum­para sa ibang mga bansa sa top 20.

Ang mga Pinay ang nasa “most searched term” sa mga bansa at ikatlo sa buong mundo.

PORNHUB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with