CPP nagdeklara ng 4 araw tigil-putukan
MANILA, Philippines — Nagdeklara na kahapon ng apat na araw na holiday ceasefire ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang pagbibigay diwa umano sa selebrasyon ng Pasko at Bagong Taon.
Ang apat na araw na ceasefire ay oobserbahan simula alas-12 ng hatinggabi ng Disyembre 25,2025 hanggang alas-11:59 ng gabi ng Disyembre 26, 2025 at mula alas-12 ng hatinggabi ng Disyembre 31, 2025 hanggang alas-1?1:59 ng hatinggabi ng Enero 1, 2025.
Ayon sa CPP, ang holiday ceasefire ay bilang pakikiisa sa mga Pilipino na tradisyunal na magdiriwang ng kapaskuhan at bilang bahagi ng kanilang ika-57 taong anibersaryo sa Disyembre 26.
Nagpahayag naman ng pagdududa ang Department of National Defense (DND) sa sinseridad ng CPP sa pagdedeklara ng tigil putukan.
“The CPP statement should be taken as it is—a sad propaganda stunt of a terrorist organization, saad ni Defense Spokesman Undersecretary Arsenio Andolong.
“The Armed Forces of the Philippines (AFP) views the recent statement of the Communist Party of the Philippines as a propaganda move by a designated terrorist organizations,” saad naman ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla.
- Latest
















