Yaman ng pulitiko na ‘big fish’ iipitin

Pangulong Marcos may ‘go signal’ na - Tulfo
MANILA, Philippines — May “go signal” na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para i-freeze ang mga ari-arian ng isang maimpluwensyang pulitiko at “big fish” sa maanomalyang flood control projects, ayon sa beteranong kolumnista na si Ramon “Mon” Tulfo.
“President BBM has given the go-signal to have the properties sequestered by the AMLC. The politician is one of the big fish in the flood control scam,” ani Tulfo sa Facebook post nitong Sabado.
Ibinunyag ni Tulfo na kabilang sa mga ari-arian ang tatlong bahay sa isang “billionaires’ village” at ilang mamahaling sasakyan tulad ng Ferrari at Rolls Royce.
Mahirap naman aniya para sa AMLC na mapatunayan na pagmamay-ari ng pulitiko ang ilang eroplano, dahil nakarehistro umano ang mga ito sa pangalan ng ilang tycoon.
“Several airplanes that an influential politician owns can’t be frozen by the Anti-Money Laundering Council (AMLC) because they’re registered under some tycoons, my tweety bird said,” aniya pa sa post.
“It’s difficult for the AMLC to prove that the politician owns the aircraft,” dagdag niya.
Ayon sa mga ulat, umabot na sa P13 bilyon ang mga assets na nauugnay sa iniimbestigahang iregularidad sa flood control projects ng pamahalaan ang na-freeze ng AMLC nitong mga unang linggo ng Disyembre 2025 na kinabibilangan ng bank accounts, real estate, mga sasakyan, na inaasahang mas madadagdagan pa sa mga susunod na araw.
- Latest



















