^

Bansa

Kauna-unahang livestream ng bicam, umarangkada

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, nagsagawa ang Kongreso ng livestream sa deliberasyon ang Bicameral Conference Committee para pag-isahin ang magkasalungat na bersiyon ng Kamara at Senado sa House Bill (HB) 4058 o ang 2026 General Appropriations Bill (GAB).

Ayon kay House Appropriations Committee Chairperson at Nueva Ecija Mikaela Suansing, ang hakbang ay naglalayong tiyakin na ang P6.793 tril­yong 2026 national budget ay hindi lamang transparent kundi may mga pananggalang laban sa pang-aabuso at lalagyan lamang ng pondo ang mga proyekto na tumutugon sa panga­ngailangan ng taumbayan.

“Pinapangako po ng inyong Kongreso na ang budget para sa taong 2026 ay mararamdaman ng bawat Pilipino, na ito ay tunay na tumutugon sa pangangailangan ng ­ating mga kababayan at ng ating bansa — na ito ay isang budget na inyong mapapagkatiwalaan,” giit ni Suansing.

Sa bersiyon ng Kamara, pinakamataas ang pondo sa edukasyon na nasa P1.28 trilyon.

Sa pamamagitan nito ay maipapagawa na ang konstraksiyon at rehabilitasyon ng 25,200 classrooms sa taong 2026. Ang karagdagang P52.2 bilyon ay ipinanukala para pondohan ang Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) para sa scho­larships ng 2.49 milyong estudyante.

Sa ilalim din ng bersiyon ng Kamara, nilagyan ng augmentation ang sektor ng kalusugan at agrikultura na nasa P90.7 bilyon at P53.7 bilyon, ayon sa pagkakasunod.

Ang augmentation budget ay mula sa tinanggal na P255 bilyong alokasyon sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

LIVESTREAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with