Resulta ng 2025 online Bar exams isasapubliko sa Enero 7
MANILA, Philippines — Nakatakdang ilabas ng Korte Suprema ang resulta ng 2025 online Bar examinations sa Enero 7, 2026.
Sa kabuuang 11,425 examinees mula sa 13,193 na aplikante ang nakakakumpleto ng tatlong araw na pagsusulit na isinagawa sa 14 na testing center sa buong bansa noong Setyembre 7, 10, at 14.
Itinakda na rin ang panunumpa at paglagda ng Roll of Attorneys sa Pebrero 6, 2026.
Si SC Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier ang chairperson ng Committee on Bar Examinations ng SC.
Ang University of Santo Tomas (UST) sa Maynila ang nagsilbing national headquarters ng Bar exam, at kabilang sa testing center.
- Latest


















