^

Bansa

LPA ganap nang bagyong Wilma

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ganap nang bagyo ang dating Low Pressure Area na namataan sa Visayas na tatawaging Wilma.

Ayon sa PAGASA, alas-11 ng umaga kahapon nang mamataan ang sentro ni Wilma sa layong 625 kilometro silangan ng Catarman, Northen Samar taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 45 km per hour at may pagbugso na umaabot sa 55 kph.

Si Wilma ay kumikilos pakanluran timog kanluran sa bilis na 20 kph.

Signal number 1 sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, at Southern Leyte sa Visayas gayundin sa Mindanao sa Surigao del Norte kasama na ang Siargao at Bucas Grande Islands at  Dinagat Islands

Si Wilma ay inaasahang kikilos pakanluran timog kanluran.

Ang sentro ni Wilma ay magla-landfall sa Eastern Visayas o sa Dinagat Islands ngayong Biyernes, December 5 ng gabi o Sabado ng ­umaga ?December 6.

Lalakas si Wilma bago mag-landfall pero mananatiling isang tropical depression sa loob ng forecast period.

Lalakas ito kapag nakarating ng West Philippine Sea.

Ngayong Biyernes ng umaga si Wilma ay inaasahang nasa layong 105 kilometro silangan ng Guian, Eastern Samar.

LOW PRESSURE AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with