Pangulong Marcos, Xi nagkamay sa APEC Summit

MANILA, Philippines — Nagkamay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping sa turnover ceremony ng APEC Summit chairmanship.
Pormal na itinurnover ng South Korea sa China ang pagiging host ng APEC Summit para sa susunod na taon.
Matapos makipagkamay si Xi kay South Korean Pres. Lee Jae Myung ay biglang lumapit si Marcos sa Chinese leader at kinamayan ito.
“I congratulated President Xi Jinping as China assumes the APEC Chairmanship in 2026, and reaffirmed the Philippines’ commitment to partnership and meaningful cooperation in our region,’’ sabi ni Marcos.
Wala pa namang impormasyon ang Presidential Communications Office (PCO) kung magkakaroon ng bilateral talks si Marcos at Xi sa gitna ng Summit.
Nauna na rin sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang nakatakdang pagpupulong si Marcos at ang Chinese leader.
Ayon kay DFA spokespersona Angelica Escalona na mayroong dalawang bilateral meeting ang pinaplantsa subalit hindi nito binanggit ang iba pang detalye rito.
“We are looking at possibly two bilateral meetings but these are still being finalized,” ayon pa kay Escalona.
- Latest























