^

Bansa

Maging kalmado para iwas road rage sa Undas - DOH

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Maging kalmado para iwas road rage sa Undas - DOH
Pahirapan ang magi ging pagdalaw sa mga puntod na ito sa Baguio Ce metery dahil sa tarik ng aakya tin bago ka makarating. Pero marahil ay sanay na rin ang mga residente rito. (Andy G. Zapata)
Andy G. Zapata

MANILA, Philippines — Nagbigay ng ilang paalala si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa mga biyahero na inaasahang magsisiuwian sa kani-kanilang mga lalawigan ngayong Undas upang makaiwas sa road rage.

Sa kanyang ginawang pag-i-inspeksiyon sa mga emergency tents na naka-istasyon sa South Luzon Expressway (SLEX) kahapon, bilang bahagi ng paghahanda ng DOH para sa Undas exodus, pinaalalahanan ni Herbosa ang mga biyahero na obserbahan ang road courtesy at manatiling kalmado upang makaiwas sa road rage, na maaaring magresulta sa sakitan.

“‘Wag magmadali, matutong magbigay. Road courtesy lang po tayo. ‘Yung mga pasaway jan, follow road rules para hindi tayo naa-ano sa road rage,” payo pa ni Herbosa.

Ayon pa kay Herbosa, hindi dapat kalimutan ng mga biyahero na magdala ng kanilang mga gamot o maintenance medicine, gaya ng para sa hypertension at diabetes, ngunit dapat aniyang iwanan ang init ng ulo sa bahay.

“Very important, dalhin niyo ang mga gamot ninyo pero iwan ninyo na ang init ng ulo sa bahay. ‘Pag kayo’y nagmamaneho, sigurado ‘yun may traffic kasi lahat gusto makauwi. Dadating po tayong lahat sa ating mga kamag-anak,” dagdag pa ng kalihim.

Kasabay nito, tiniyak ni Herbosa na ang mga magtatamo ng road traffic injuries ay maaaring mag-avail ng ipinaiiral na zero-balance billing ng pamahalaan.

“Yes, sagot siya, basta nasa basic accommodation,” ani Herbosa, nang matanong hinggil sa isyu.

Una nang itinaas ng DOH ang Code While Alert sa kanilang central office at maging sa centers for health development ngayong Undas.

Sa ilalim nito, lahat ng medical personnel ay dapat na handa sa inaasahang posibleng pagdami ng mga ­pasyente dahil sa aksidente, pagkasugat at iba pang insidente na may kinalaman sa kalusugan, na maaaring maganap.

UNDAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with