^

Bansa

Pangulong Marcos sa mga Pinoy: Maging handa sa sakuna

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos sa mga Pinoy: Maging handa sa sakuna
President Ferdinand Marcos Jr.
The Philippine STAR / Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Sa gitna ng mga sunud-sunod na lindol at baha na nararanasan sa iba’t ibang bahagi ng bansa, hinimok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pinoy na gumawa ng mga hakbang at maging handa sa mga sakuna

Sinabi ni Marcos Jr. sa kaniyang vlog sa Facebook na dapat magkaroon ng plano ang mga Pilipino at maging handa sakaling magkaroon ng panibagong kalamidad.

“Dahil ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire na tinatawag kung kaya very prone tayo sa mga ganitong sakuna at kalamidad. Lindol man o pagsabog ng bulkan, kailangan natin lalo pang paigtingin ang ating disaster preparedness and response,” ani Marcos.

Ayon sa Pangulo, mahalaga na magkaroon ng plano at alam ng bawat miyembro ng pamilya kung ano ito.

“Pati na ‘yung mga kasambahay. Saan ang evacuation area? Saan tayo tatakbo? Saan ang meeting place kapag lumindol? Saan ba pupunta? Saan tayo magkikita-kita?” ani Marcos.

Kahit na ang mga nasa labas ng bahay ay dapat alam kung saan pupunta sakaling magkaroon ng sakuna, dagdag niya.

Ipinunto rin ni Marcos ang kahalagahan ng “go bag.”

“Ano bang nasa loob ng go bag? Mga importanteng dokumento, papeles, at pag-aari na hindi talaga natin puwedeng maiwan,” ani Marcos.

Sinabi ni Marcos na ang go bag ay dapat ding naglalaman ng mga basic survival items tulad ng pagkain, canned goods, biskwit, tubig, first aid kit, gamot, emergency hygiene kit, flashflight, whistle, lighter, telepono, radyo, at pang-emergency cash.

May ilang local govern­ment units na ang nag-isyu kamakailan ng go bags sa kanilang mga nasasakupan.

“Importante na may tamang impormasyon kayo sa mga ganitong panahon. Alamin ninyo ang abiso ng LGU. Makinig sa ating mga serbisyo, barangay official, munisipyo, coast guard, pulis, first responders, at iba pa,” ani Marcos.

Pinayuhan ni Marcos ang publiko na magkaroon ng nakahanda na listahan ng mga emergency number na maaari nilang tawagan kung kailangan nila ng tulong, at tumutok sa mga pinakabagong balita maging sa radyo, TV, o social media.

SAKUNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with