Bong Go, top performer sa Senado
MANILA, Philippines — Nanguna si Sen. Bong Go sa isinagawang survey ng Pulse Asia tungkol sa “Awareness and Performance Ratings of Selected Senators.”
Sa survey na ginawa noong Setyembre 27-30, 2025, nakakuha si Go ng 76 percent approval rating, 15% undecided at 9% disapproval.
Sinundan siya ni Sen. Raffy Tulfo na may 71% approval, 16% undecided at 14% disapproval.
Pumangatlo sa listahan si Alan Peter Cayetano, 65%; Bam Aquino, 63%; Rodante Marcoleta, 63%; Loren Legarda, 61%; Pia Cayetano, 59%; Panfilo Lacson, 56%; Imee Marcos, 54% at Juan Miguel Zubiri, 50%.
Kasunod nila sina Sherwin Gatchalian, 49%; Risa Hontiveros, 46%; Francis Pangilinan, 43%.
Samantala, nasa hulihan sina Francis Escudero, 39%; Joel Villanueva, 34% habang nakakuha ng pinakamababang marka si Jinggoy Estrada, 22%.
Partikular na tanong sa survey ang: “Mayroon ako ritong mga pangalan ng ilang mga kasalukuyang opisyal ng ating pamahalaan. Pakisabi ang inyong opinyon tungkol sa pagganap nila ng kanilang tungkulin nitong huling tatlong buwan.”
Ginawa ang survey sa kasagsagan ng ginagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects na nagdawit sa ilang senador.
- Latest






















