^

Bansa

Pinoy na sugatan sa Gulf of Aden attack, namatay na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Tuluyan nang binawian ng buhay ang isang tripulanteng Pinoy na malubhang nasugatan sa pag-atake ng mga rebeldeng Houthi sa isang cargo vessel sa Gulf of Aden noong Setyembre 29.

Mismong si DMW Secretary Hans Leo Cacdac ang­ ­nag-anunsiyo ng malungkot na balita, kasabay nang pagpapaabot ng pakikiramay sa pamilya ng biktima.

“We convey the sad news of the passing of the Filseafarer critically injured during the Sept. 29 attack on the MV Minervagracht in the Gulf of Aden. Our deepest sympathies to his family,” ani Cacdac, isang paskil sa kanyang opisyal na X account (dating Twitter).

Tiniyak rin naman ni Cacdac na alinsunod sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ay pagkakalooban ng pamahalaan ng kaukulang suporta at kinakaila­ngang tulong ang pamilya ng biktima.

Magtutungo rin aniya siya sa Djibouti para asikasuhin ang pagpapauwi sa bangkay ng biktima at upang bisitahin na rin ang isa pang tripulanteng Pinoy na kasaluku­yang nagpapagaling sa pagamutan.

Matatandaang ang cargo vessel na MV Minervagracht ay inatake ng isang hindi tukoy na projectile ng mga rebelde at nagtamo pa ng sunog, habang naglalayag may 120 nautical miles sa port city of Aden.

Nasagip ng mga rescuers ang 19 tripulante ng barko, na kinabibilangan ng mga Pinoy, Russian, Ukrainian, at Sri Lankan nationals.

Sa naturang bilang, 12 ang Pinoy at dalawa sa kanila ang nasugatan sa pag-atake.

Nagtamo lamang umano ng ­minor injury ang isa sa mga ­sugatang Pinoy habang malubha ang isa pa, na malaunan ay binawian rin ng buhay.

Una nang nakauwi sa bansa ang 10 Pinoy noong Oktubre 5.

HANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with