^

Bansa

‘Haunted hospitals’ pinaiimbestigahan ni De Lima

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Kung merong mga haunted house na diumano’y pinaninirahanan ng mga multo, meron ding mga haunted hospitals ang Department of Health (DOH) na aabot sa 353 ang bilang sa buong bansa.

Ito ang isiniwalat ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila de Lima na naghain ng House Resolution (HR) No. 353 para imbestigahan ng Kamara ‘in aid of legislation’ ang mga kaso ng pag-aabuso at pagwawaldas sa public funds sa ilalim ng Health Enhancement Program (HFED) at iba pang programa ng DOH.

“Mantakin nyo: May pondo para sa mga ospital at health centers, pero hindi naman nakukumpleto o hindi sadyang kinukumpleto; kung may maipatayo man, hindi naman operational  at hinahayaang maging abandonado,” ani De Lima.

“Pagamutan yan para kanino—para sa mga multo?! Heto pa: May pondo para sa gamot, pero kulang-kulang o walang available na gamot sa mga public hospitals, ang dami pang nag-eexpire!,” giit pa ni De Lima.

Sinabi ni De Lima na nasasayang ang pondo ng DOH sa posibleng korapsyon ng mga opisyal ng gobyerno, public employees at private companies gayundin ng iba pang mga indibidwal na nagsabwatan na nagresulta sa mga ‘haunted hospitals’ na mga inabandona, di kumpleto, non-operational, health centers at iba pang kahalintulad na mga pasilidad.

MULTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with