Halos 6,000 aftershocks naitala sa Cebu
MANILA, Philippines — Halos 6,000 aftershocks na ang naitatala ng Phivolcs matapos ang 6.9 magnitude na lindol sa Cebu.
Sa report ng Phivolcs, 5,982 ang aftershocks na ang naranasan na ang huli ay umabot sa 1,219 at 25 na naramdaman ng mga residente.
Ang pinakamalakas na aftershocks ay naramdamam nitong Linggo sa magnitude 4.4 na may lalim na 10 kilometro sa Bogo City.
Naramdaman naman ang Intensity II sa Daanbantayan, Cebu; intensity 1 sa Villaba, Abuyog at Carigara, Leyte.
Ipinaliwanag naman ng Geologist na si Mahar Lagmay, Director ng Project Noah, karaniwan ng may mga nangyayaring aftershocks sa malalakas na lindol tulad ng yumanig sa northern Cebu dahil naga-adjust pa ang fault nito.
“Nag-aadjust pa ang fault. It may last for a month or more, but with a weakening trend,” saad pa ni Lagmay sa kaniyang post sa X (dating Twitter).
- Latest

















