^

Bansa

Sen. Villar ipapatawag ng ICI sa flood control probe

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Sen. Villar ipapatawag ng ICI sa flood control probe
Sen. Mark Villar
STAR/File

MANILA, Philippines — Ipapatawag ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) si Sen. Mark Villar kaugnay sa imbestigasyon ng anomalya sa flood control project sa bansa.

Si Villar ang nagsilbing dating kalihim ng Department of Public Works and HIghways (DPWH) noong 2016-2021 sa panahon ni dating pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni ICI Executive Director Brian Hosaka na tinitingnan nila na ­ipatawag sa susunod na batch bilang resource person sa pagdinig ang senador.

“As a possibility, yes.. Well, because he was a former secretary of DPWH,” ayon pa kay Hosaka.

Kaagad naman aniyang ipapaalam ni Hosaka kung kailan iimbitahan si Villar.

Nauna nang sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na patas lamang na sagutin ni Villar ang katanungan ng publiko kaugnay sa posibleng korapsyon noong panahon na siya pa ang kalihim ng kagawaran.

Bukod kay Villar, iginiit din ng ICI na ipapatawag nila sina dating House Speaker Martin Romualdez at ang nagbitiw na si Ako Bicol congressman Zaldy Co.

Nag-isyu na aniya ng subpoena ang komisyon kay Romualdez at Co noong unang bahagi pa lamang ng pagdinig.

ICI

MARK VILLAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with