Dahil sa Pinay, Philippine Embassy sa Sweden nabuksan
MANILA, Philippines — You won!!!
Ito ang naging reaksiyon ng dating spokesperson for Foreign Issues ng Social Democratic Party na si Urban Ahlin at ngayo’y ambassador ng Sweden sa U.S. matapos na magtagumpay ang isang negosyanteng Pinay na i-lobby ang pagbubukas ng Philippine Embassy sa Sweden.
Si Devinia Fatalla, 60, isang convenient store owner ang nanguna na mabuksan muli ang Embassy of Sweden sa Maynila matapos ang walong taong pagkakasara kung saan dito n’ya nakilala si Urban sa isang pagtitipon.
”She is the first Filipina who lobbied victoriously for the reopening of the Embassy of Sweden in Manila, Philippines,” ayon kay Ahlin.
Ang nagawa ni Devinia ay mas higit pa sa honor ng 2 OS gold medals. Sa muling pagbubukas ng Embahada ng Sweden, eto ay nagbigay ng priceless contributions na pang moral, social at economical na masusubaybayan sa kanilang website na Embassy of Sweden in Manila.
Mahigit 40 Swedish company ang nakapagtatag ng negosyo sa Pilipinas, kabilang ang pinakamalaking IKEA sa buong mundo na matatagpuan sa Mall of Asia.
Sa 8 taong pagtitiyaga, ginugol na oras at gastos na isinakripisyo ni Devinia, wala umanong nakapansin o recognition mula sa tanggapan ni Pangulong Marcos.
- Latest



















