^

Bansa

ICC ayaw magkomento sa ‘aksidente’ ni Duterte

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tumanggi ang International Criminal Court  na magkomento sa pahayag ni Vice President Sara Duterte na ang kanyang ama na si da­ting pangulong Rodrigo Duterte, ay natagpuang walang malay sa kanyang detention cell sa The Hague dahil hindi nila tinatalakay ang mga pribadong bagay ng isang nakakulong, base sa “right of privacy”.

Napaulat na sinabi ng tagapagsalita ng ICC na si Fadi El Abdallah, na sinusunod nila ang mga internasyonal na pamantayan ng mga nakakulong na may access sa mga  consular representatives na mahigpit na isinasagawa ng may approval o request ng taong nakakulong.

Idinagdag ng ICC na ginagawa ang lahat ng kinakailangang hakbang upang mapanatili ang pisikal at psychological na kagalingan ng lahat ng mga bilanggo.

Nauna rito, sinabi ni VP Duterte noong Sabado na ang kanyang ama ay nasa “troubling conditions.”

Sinabi pa ni Duterte na ang kanyang pamilya ay nakatanggap ng credible information na ang dating pangulo ay kinailangang sumailalim sa mga laboratory test matapos matagpuang walang malay sa sahig ng kanyang kuwarto.

Ayon pa kay Duterte, hindi ipinaalam sa pamilya ang nasabing ‘aksidente’ at wala ring ibinigay na paliwanag ang ICC.

Hindi umano natutugunan agad ang mga pa­ngangailangang medikal ng kanyang ama sa loob ng ICC detention facility kahit ang madaling gamutin na ingrown toenail.

Patuloy din aniyang tinatanggihan ng ICC ang pangangailangan na magkaroon ng isang 24-house bedside care­giver ang dating pangulo.

CRIMINAL COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with