^

Bansa

Flood control funds mabuting mapunta sa mahihirap - Sen. Erwin

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tama daw ang naging desisyon ni Pangulong Marcos Jr. na ilipat na lang ang P36-B flood control fund sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga naghihirap at walang kabuhayan na mga mamamayan.

“Instead nga naman na mapunta lang sa bulsa ng mga DPWH officials, contractors at politiko, mas mainam na mapunta na lang sa mga mahihirap ang pondong ito”, ayon kay Sen. Erwin Tulfo, chairman ng Committee on Social Justice, Welfare, and Rural Development.

“Kasi pag-DSWD ang pondo, derecho sa mga tao at hindi na nahahawakan ng mga politiko o opisyal o kontraktor ang pera”, ani Tulfo na dating DSWD Secretary.

Nais ng Pangulong Marcos na ilaan ng DSWD ang pondo sa Assistance for Individual in Crisis Situation o AICS at sa Sustainable Livelihood Program (SLP).

Ang AICS ay isang programa ng DSWD para sa mahihirap for emergency purposes tulad ng pambili ng gamot, pambayad sa ospital, palibing, pamasahe at iba pa.

Ang SLP naman ay pangkabuhayan na P15,000 na binibigay ng DSWD sa isang komunidad para may pagkakakitaan ang mga tao doon.

“I believe kung maraming mabibigyan na walang hanap buhay ng SLP ng DSWD, malaking maitutulong o ambag sa ekonomiya natin thru this small business enterprise “, saad ng Senador.

AICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with