Ridon: ‘Sen. Joel baka makulong sa flood scam’”
MANILA, Philippines — Bro Eddie baka makulong talaga si Senator Joel kahit isumpa mo pa ako.”
Ito naman ang buwelta ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon sa umano’y banta ni Cibac Partylist Rep. Eddie Villanueva bunsod ng isinasagawang pagdinig ng House Infrastructure Committee sa flood control scandal kung saan dawit ang anak nitong si Senador Joel Villanueva.
Nabatid na nagbitiw ng pahayag si Bro. Eddie kay Ridon ng “Baka hindi ka abutan ng mga lawyers namin pero tandaan mo ‘to, nagkamali ka… bata. Baka akala mo makakatakas ka sa sumpa ng Diyos? Pasalamat ka born again si Bro. Eddie.”
Si Bro. Eddie ang founder ng Jesus Is Lord (JIL).
Umabot sa kaalaman ni Ridon na siya ang paksa sa sermon ni Bro. Eddie kung saan ipinakita nito na magka-batchmate ang una at dating Bulacan First District Assistant Engineer Brice Hernandez
Ayon kay Ridon, hindi lamang si dating DPWH Bulacan First District Engineer Henry Alcantara ang nagdawit sa kanyang anak na si Senator Joel sa flood scam.
Ani Ridon, maging si Hernandez ay tumukoy kay Senador Joel at Sen. Jinggoy Estrada na tumanggap ng umano ng kickbacks mula sa flood control projects.
Giit ni Ridon, mas makabubuting sagutin na lamang ni Senador Joel ang mga akusasyon sa kanya tulad ng “sino ang may ari ng resthouse sa Brgy. Ibulot, Bocaue, Bulacan?”, “totoo bang nagbigay si Henry Alcantara ng P150 milyon sa kanya?” at “totoo ba na galing ang P150 milyon mula sa unprogrammed appropriations?”
Matatandaang sa sworn statement ni Alcantara, tinukoy nitong sina Jinggoy, Joel, dating senador Bong Revilla, Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, at dating Caloocan Rep. Mitch Cajayon-Uy ay tumanggap umano ng kickbacks mula sa insertions sa national budget.
“Hindi humingi ng partikular na proyekto o porsyento si Sen. Joel pero iniutos ni Usec. Bernardo na bigyan na lamang ng proyekto na may katumbas na P150-M na proponent itong si Sen Joel. Dahil dito nabigyan si Sen. Joel ng proyekto sa Unprogrammed Appropriations noong 2023 na nagkakahalaga ng P600-M na pawang mga flood control na mga proyekto at kung susumahin sa 25 percent na proponent ay may halaga na P150-M,” nakasaad sa affidavit ni Alcantara.
- Latest


















