^

Bansa

Brice: Congressmen, hindi ­senador laman ng computer ko

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Brice: Congressmen, hindi ­senador laman ng computer ko
Ex-DPWH engineer Brice Hernandez speaks at the Senate Blue Ribbon Committee hearing on September 23, 2025.
Senate of the Philippines via Youtube

MANILA, Philippines — Nilinaw ni dating Bulacan 1st assistant dist.  engineer Brice Hernandez na ang kanyang computer ay naglalaman ng mga pangalan ng mga mambabatas na sabit sa maanomalyang flood control projects at hindi mga senador.

Ang pahayag ni Hernandez ay taliwas sa pahayag ng kanyang abogado na si Atty. Raymond Fortun na ang computer ni Hernandez ay naglalaman ng ­pangalan ng anim na senador kung saan apat ang incumbent at dalawa ay dating senador.

“Actually, may mga congressmen po na nandoon. Hindi po senador ‘yung laman ng computer ko,” paglilinaw ni Hernandez sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee.

Sinabi rin ni Hernandez na sinabihan niya ang kanyang abogado na huwag maglabas ng impormasyon ng walang ebidensiya.

Dahil dito, iginiit ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na nais niyang imbitahan si Fortun sa pagdinig.

Pero sinabi ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson na hindi nila maaaring imbitahan si Fortun dahil sa “confidentiality” sa pagitan ng isang abogado at kanyang kliyente.

Nauna nang nadawit ang pangalan nina Sens. Jinggoy Estrada, Joel Villlanueva at dating sen. Bong Revilla sa flood control scandal.

Sa pagdinig kahapon, tinukoy naman ni dating DPWH undersecretary ­Roberto Bernardo sina Sen. Francis “Chiz” Escudero at dating Sen. Nancy Binay sa maanomalya at ghost flood control projects na kapwa itinanggi ang mga paratang laban sa kanila.

BRICE HERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with