PANUORIN: Mga senador na tumanggap ng 'kickback' gustong kasuhan ng NBI
MANILA, Philippines — Iminungkahi ng National Bureau of Investigation ang pagsasampa ng kasong malversation laban kina Sen. Chiz Escudero, Makati Mayor Nancy Binay, at Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng umano’y kickbacks sa public works projects.
Sa pagdinig ng Senado noong Setyembre 25, sinabi ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na tumanggap umano si Escudero ng P160 milyon at si Binay ng P37 milyon.
Matapos ang kanyang testimonya, agad siyang dinala sa Department of Justice upang magsumite ng affidavit.
Kinumpirma ni Justice Secretary Boying Remulla na tinutulak ng NBI ang kasong indirect bribery at malversation laban sa mga tinukoy ni Bernardo.
Paliwanag ni Remulla, rekomendasyon pa lamang ito at nasa case build-up stage ang imbestigasyon, habang posibleng isama rin ang kasong plunder. — Ayon sa report ni Jean Manggaluz
- Latest


















