PRO3 namahagi ng grocery, food packs sa mga raliyista
MANILA, Philippines — Namahagi ang mga pulis mula sa Central Luzon ng bigas, grocery packs at food pack sa mga raliyista at mga residente sa ika-53 anibersaryo ng Martial Law at sa mga nagsagawa ng “Trillion-Peso March” nitong Linggo.
Nabatid na pinangunahan ni PBGen. Ponce Rogelio I. Peñones Jr., Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3), alinsunod sa 7 Focus Agenda ni Acting PNP Chief PLt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., partikular ang pamamahala ng mga aktibidad at kaganapan sa lahat ng antas at epektibong crowd control.
Sa ulat, habang ang mga contingent ay naka-deploy upang mapanatili ang kaayusan, ang iba pang mga tauhan ng PRO3 ay namigay ng mga food packs sa parehong mga demonstrador at mga kalapit na pamilya, bilang paalala na ang pulisya ay hindi lamang tagapag-alaga ng kapayapaan kundi katuwang din sa serbisyo publiko.
“We are not only here to maintain peace and order, but also to extend a hand of service to our fellow citizens. This is how we show that the police truly care for the community,” ayon kay Peñones.
Sa halip na puro umano komprontasyon, tungkulin ng mga pulis na palakasin ang kanilang mandato ng maximum tolerance habang iginagalang ang karapatan ng pulbiko na nagdaraos sa malayang pagpapahayag.
- Latest


















