Gobyerno ‘stable’ sa gitna ng flood control mess – Bersamin
MANILA, Philippines — Sa kabila ng mga alegasyon ng korapsyon sa flood control projects, nananatiling matatag ang gobyerno sa Pilipinas.
Ito ang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin at sinabing walang nakikitang banta sa gobyerno kahit pa nadadawit ang ilang opisyal at mambabatas sa anomalya.
“Very, very stable because alam mo ‘yan, internal dynamics lang ‘yan, normal sa atin ‘yan (you know, that’s only internal dynamics and that’s normal). There were eras or periods in our history that there were more supposedly perceived to be destabilizing,” sabi ni Bersamin.
Wala rin aniya siyang nakikitang anumang hadlang sa ngayon dahil mayroon pa mga resource persons na nagsasalita kaya ipinapaubaya niya ito sa Kamara at Senado dahil hindi na nila ito saklaw.
Aminado naman si Bersamin na nakababahala ang mga naging rebelasyon sa ‘ghost’ flood control projects.
Hindi naman aniya naalarma si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga rebelasyon dahil natural consequence lamang aniya ito sa nais na mangyari ng Punong Ehekutibo.
Matatandaan na idinadawit ng mga dating opisyal ng Department of Public Works and Highways na tumanggap ng kickback sa flood control projects sina Sens. Jinggoy Estrada at Joel Villanueva.
- Latest




















