^

Bansa

Pagbawas ng pondo para sa Marikina River project kinuwestyon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hiniling ni Davao City Rep. Isidro Ungab sa mga dating chairperson ng House Committee on Appropriations na sina Zaldy Co at Stella Quimbo na ipaliwanag ang paglipat ng bilyon-bilyong halaga ng foreign-assisted flood control funds mula sa 2024 at 2025 national budgets, kabilang ang Pasig-Marikina Channel Improvement Project.

“As a former Chairman of the Committee on Appropriations, I know the importance of carefully planned and vetted ODA projects,” sabi ni Ungab sa budget hearing ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

“The rationale for deleting or reducing these flagship projects must be explained by both Cong. Zaldy Co and Cong. Stella Quimbo,” dagdag pa niya, sabay diin na ang Metro Manila Flood Management Project at ang Pasig-Marikina Channel Improvement Project ay itinuturing na mahalaga upang maibsan ang paulit-ulit na pagbaha sa kamaynilaan.

Nagsilbi si Quimbo bilang kinatawan ng Marikina City 2nd District mula 2019 hanggang 2025. Tumakbo siya bilang alkalde noong 2025 ngunit natalo.

Siya ang nanguna sa pagbalangkas ng 2025 budget bilang Vice Chairperson ng Committee on Appropriations sa panahon ng approval process nito. Naging chairperson din siya ng komite matapos magbitiw si Co.

Sa pagdinig, ipinakita ni Ungab ang mga dokumento na naglalahad ng malalaking pagbabawas at tuluyang pagkakabura ng mga pangunahing proyektong pinondohan ng Overseas Development Assistance (ODA).

Ayon kay Ungab, nakalaan sa National Expenditure Program (NEP) ang P21.6 bilyon noong 2024 at P27.5 bilyon noong 2025 para sa 11 malalaking ODA projects na dinisenyo upang mapabuti ang flood risk management, mapalakas ang climate resilience, at maprotektahan ang mahahalagang sentrong pang-ekonomiya at mga bulnerableng komunidad.

Gayunpaman, ang P21.6 bilyong alokasyon para sa 2024, kahit na naisama sa General Appropriations Bill, ay binawasan ng P5.49 bilyon sa third reading sa Kamara at kalauna’y tuluyang tinanggal sa bicameral conference kung saan isa si Quimbo sa mga miyembro.

Para sa 2025, binanggit niya na ang P27.5 bilyong panukala ay binawasan ng P18.6 bilyon sa House-approved version, na nag-iwan lamang ng P8.9 bilyon. Sa huli, bahagyang umakyat ito sa P9.2 bilyon sa General Appropriations Act, ngunit nanatiling 67 porsyentong mas mababa kumpara sa orihinal na plano.

Nilinaw niya na ang House Small Committee ang unang gumawa ng mga pagbabawas sa General Appropriations Bill sa third reading, habang ang mga huling adjustments sa General Appropriations Act ay ipinatupad sa Bicameral Conference Committee.

“Such diversions have far-reaching consequences on disaster preparedness and could weaken trust in foreign-assisted programs that have undergone rigorous planning and international scrutiny,” diin ng kongresista.

COMMITTEE

STELLA QUIMBO

ZALDY CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with